KALIBO, Aklan – Malaking hamon umano ang paghikayat sa mga European countries na pumunta sa isla ng Boracay.
Ito ang inihayag ng dating consul ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Prague at tubong bayan ng Kalibo na si Jed Dayang.
Si Dayang ay kasalukuyang special assistant to the DFA secretary.
Ilan umano sa mga hamon na kinahaharap ng mga turista ay ang mahabang biyahe mula sa Europa papunta sa Boracay, gayundin ang impression na ang isla ay “crowded” na lugar.
Nabatid na noong Hulyo, isang international website ang nagsama sa Boracay sa top three most crowded destinations sa buong mundo.
Nanguna sa listahan ang Machu Picchu sa Peru na sinundan ng Venice sa Italy at pumangatlo ang Boracay.
Ayon pa kay Dayang, sikat ang Boracay sa mga Europeans kung saan, alam ng mga ito na isinailalim ang isla sa anim na buwang rehabilitasyon.
Gayunpaman, nananatili sa kanila ang impresyon na ang isla ay crowded at marami umanong mang-iistorbo sa kanila.