Kinikilala ng European Union ang pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 award ng arbitral tribunal sa West Phil Sea.
Ito ang inihayag ni European Commission President Ursula von der Leyen na itinuturing nilang binding ang nasabing desisyon ng arbitral tribunal pabor sa Pilipinas.
Sinabi Leyen, ito ang basehan para sa mapayang pagresolba sa hindi pagkakasundo ng mga partido sa nasabing usapin.
Binigyang diin ni Leyen na handa ang EU palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas sa usapin ng maritime securiity sa rehiyon.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, pagsasagawa ng threat assessment at pagpapalakas ng kapasidad ng national coastwatch center at ng philippine coast guard.
Ipinunto din ng Pangulo ng European Commission na na handa nilang palawakin sa mas mataas na antas o next level ang partnership nito sa Pilipinas.