-- Advertisements --

Inanunsiyo ng European Union (EU) ang donasyon nila na umaabot sa P49 million bilang humanitarian aid sa mga biktima ng krisis sa Marawi City, dahil sa pag-atake ng Maute terror group.

Ang naturang halaga ay mula sa European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations para gamitin sa mga pagkain, suplay na inuming tubig, health care, at mga hygiene kits para sa mga evacuees.

Kung maaalala kamakailan lamang sinabi ng Malacanang na hindi na tatanggap ang Pilipinas ng mga grants o loans na may mga kaakibat na mga kondisyon mula sa European Union dahil sa pambabatikos sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs.

Gayunman, kumambiyo ang Palasyo at nilinaw na tatanggap pa rin naman ng donasyon ang pamahalaan kung ito ay bilang humanitarian aid.

Samantala nito lamang nakalipas na linggo ang China ay nagbigay din ng donasyon na P20 milion para sa relief operations, kabilang na ang P5 milyon para sa pamilya ng mga namatay na sundalo.

Liban dito nag-turn over din ang China ng P370 million na halaga ng mga armas upang makatulong sa kampanya laban sa terorismo.