-- Advertisements --

Pumayag ang United Kingdom na maging host ng 2023 Eurovision song contest.

Ito ay matapos na inilipat ng organizers ang hosting mula sa Ukraine dahil sa hindi pa rin natatapos ang giyera doon.

Nauna rito nagkampeon ang Ukraine ngayong taon sa contest na ginanap sa Italy at naging pangalawa sa puwesto ang Britanya.

Bilang host ay kikilalanin ng UK sa kompetisyon ang tagumpay ng Ukraine sa Eurovision ngayong taon.