LEGAZPI CITY – Target ng lokal na pamahalaan ng Dimasalang, Masbate na makapagpatayo ng mga evacuation centers sa susunod na taon para mapaghandaan ang mga hindi inaasahang malalakas na lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Mac Naga, karamihan kasi sa mga evacuation centers sa lugar ay gawa sa mga konkretong gusali na nakadisenyo para sa malalakas na bagyo.
Hindi naman ito pinayagang gamitin para paglipatan ng mga residente na totally damaged ang bahay dahil sa tumamang magnitude 6.6 na lindol sa island province.
Ayon kay Naga, pinag-uusapan na nila na maisama sa pondo ng LGU sa susunod na taon ang papatayo ng mga temporary shelter sakaling may tumama muling malalakas na pagyanig sa lugar.
Sa ngayon, hindi pa rin natatanggal ang trauma ng mga residente at patuloy pa ring nagdudulot ng alarma ang mga nararanasang mga aftershocks.
Labis rin ang pasasalamat ng alkalde sa mga natanggap na tulong ng bayan bula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.