-- Advertisements --

Nasa higit 200 mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lumahok sa isinagawang casualty evacuation drills sa Calayan island na kilalang typhoon-prone island town bilang bahagi sa Balikatan exercises 2017.

Kalahok sa nasabing exercises ang isang US Chinook at dalawang blackhawk helicopters na siyang nagdala sa mga sundalo sa isla.

Ang isinagawang senaryo sa nasabing isla ay naaayon sa tema ngayong taon na Balikatan exercises ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR).

Ayon kay Lt. Gen. Oscar Lactao, co-exercise director ng Balikatan 2017, na lahat ng mga aktibidad na kanilang inihanda ay nakatutok sa HADR at counterterrorism.

Aniya, nuong nakaraang taon nakatutok ang joint exercises sa US ay mga territorial defense scenario.

Ang Calayan island ay matatagpuan sa pagitan ng SOuth China Sea at Pacific Ocean.

Mayroon itong 18,000 na mga residente na nakatira sa 12 mga barangays.

Samantala, hanga si US Marine BGen. John Jansen sa ipinakitang professionalism at discipline ng mga sundalong Pinoy at Kano na kalahok sa Balikatan Exercises 2017.

Si Jansen ang pinuno ng United States Joint Task Force.