Puspusan pa rin ang paglililikas ng iba pang mga bansa na merong mamamayan nila sa epicenter ng novel coronavirus sa Hubei province at sa Wuhan City.
Umaasa ang gobyerno ng South Korea na matuloy na rin ang paglipad ng kanilang mga eroplano matapos na ipagpaliban ang dalawang flights na siyang maglilikas ng ilang South Korean residents.
Ang eroplano naman ng United Kingdom na susundo rin sana ngayong araw sa mga British citizen mula sa Wuhan City ay na-postpone rin.
Una rito umaabot naman sa mahigit 200 mga US citizens, kasama ang mga diplomats at mga pamilya ang nailikas na mula sa Wuhan at dinala ngayon sa isang airbase sa Califonia para sa dagdag pang pagsusuri at monitoring.
Agad namang nilinaw ng US Centers for Disease Control and Prevention na walang sinumang mga pasahero ang nakitaan ng sintomas ng sakit mula sa deadly virus.
Nag-anunsiyo rin ang Canada na magpapadala sila ng eroplano para ilikas ang kanilang mga mamamayan na nasa Wuhan City.
Nitong araw din ang unang biyahe ng eroplano mula France ay magsasagawa rin ng repatriation sa mga French citizens. Humigit kumulang sa 800 French citizens ang nasa Wuhan. Sakay ng eroplano ang team ng 20 medical staff on-board para magsasagawa nang pagsusuri sa mga sasakay na pasaheo.
Inaasahan din ngayong araw ay magsasagawa ng evacuation ang gobyerno ng Italy sa kanilang mga citizens sa Wuhan City. Sakay din ng kanilang aircraft ang mga specialized medical personnel at nurses dala ang mga kaukulang mga medical equipment.
Nasa 32 mga Turkish citizens mula sa Wuhan ang nakatakda ring ilikas ng bansang Turkey.
Ang Japan naman, umaabot sa 206 Japanese citizens ang na-evacute na mula sa Wuhan at dumating na kahapon sa Tokyo. Gayunman nasa 450 pa na mga citizens nila ang naiwan sa Wuhan.
Nag-anunsiyo na rin si Australian Prime Minister Scott Morrison na uunahin sa kanilang paglilikas ang mga bata, at matatanda sa naturang probvinsiya ng China. Sinasabing aabot sa 600 Australian citizens ang nasa Hubei province.
Ang Indian government ay nagsimula na rin sa pagproseso para sa evacuation ng kanilang mga residente na nasa Wuhan.