Patuloy ngayon ang paglikas ng mga US workers paalis ng Iraq bilang bahagi ng evacuation matapos ang banta ng Iran na gaganti kasunod nang pagkapatay ng Amerika sa kanilang top commander.
Kabilang sa pinaalis na rin ang mga manggagawa sa ilang foreign oil companies na nakabase sa southern Iraqi oil city ng Basra.
Ayon sa ilang mga nakasaksi wala namang nangyayaring panic at relax lamang ang pagpila rin ng iba pang mga US citizens sa bahagi ng airport.
Agad namang tiniyak ng Iraqi officials na ang nangyayaring evacuation sa mga foreign workers ay hindi makakaapekto sa kanilang oil operations maging sa production at exports ng langis palabas.
Kung maipapabatid ang Iraq ang second-biggest producer na miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) kung saan kaya nitong makapag-produce ng aabot sa 4.62 million barrels output per day (bpd).
Inamin naman ng isang Ian Bryant, ang chief executive ng Canadian oilfield company na Packers Plus na labis ngayon ang kanilang kaba sa seguridad ng kanilang mga workers na baka maipit sa anumang karahasan.
Liban kasi sa mga US citizens ang kanilang mga kompaniya ay meron ding mga British at Canadian citizens.
Una nang inalerto rin ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad ang may 3,000 mga Pinoy sa Iraq na maging alerto rin at maghanda kung sakaling magpapatupad din ng evacuation.