Tiniyak ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDDRMO) ng lalawigan ng Samar na nitong nakalipas pa ng araw naghahanda kung sakaling manalasa ang bagyong si Crising.
Ayon sa disaster management officer Van Torrevillas, nitong Huwebes Santo pa inalerto nila ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Inabisuhan na rin umano ang mga residente malapit sa mga landslide prone areas na maging alerto lalo na kung lumakas ang pa ang bagyo.
Pero sa batay aniya sa latest na impormasyon na ibinigay sa kanila ng Office of Civil Defense Region 8, bahagya na umanong humina ang bagyo habang nagbabanta ang pag-landfall ng sentro nito sa bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.
Habang sinusulat ang balitang ito (as of 1pm) makulimlim pa lamang ang kalangitan at wala ring nararanasang pag-ulan sa probinsiya ng Samar.
Bagamat una nang nagbabala ng Pagasa na maaring makaranas ng moderate hanggang heavy rains ang mga lugar na masasakop ng 250 diameter ng bagyo.
Tiniyak din naman ni Torevillas na nakahanda na ang kanilang mga dump trucks kung sakaling magkaroon nang paglilikas sa mga lugar na delikado sa baha at landslide.
Gayundin sapat din daw ang naka-standby na mga relief goods, tubig at medisina na puwede agad ipamigay kung may grabeng maapektuhan ng kalamidad.
Ang lalawigan ng Samar lalo na ang Western Samar, na kasama rin ang bahagi ng Catbalogan City ay maraming areas ang nasa bulubunduking bahagi.
Kaninang alas-11:00 ng umaga ang mga lugar na inilagay ng Pagasa sa tropical cyclone signal number one ay ang mga sumusunod: Sorsogon, Burias island, Romblon, Masbate kasama na ang Ticao island, Aklan, Antique, Iloilo, Capiz, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.