-- Advertisements --

Inihayag ng Moscow na magbubukas ito ng mga evacuation routes para sa mga sibilyan sa Ukraine na patungo sa Russia.

Sinabi ni Russian Defense Ministry Colonel-General Mikhail Mizintsev na isasagawa ito araw-araw tuwing alas-10 ng umaga, ngunit sa ngayon ay hindi pa malinaw kung hanggang anong oras magtatapos ang mga nasabing bubuksang ruta.

Kaugnay niyan ay tiniyak din ng opisyal ang buong seguridad ng mga evacuees sa mga teritoryong kontrolado ng Russian Armed Forces.

Samantala, itinanggi naman ng opisyal ang mga pahayag ng Ukraine na hindi umano pagtupad ng Russia sa ipinangakong tigil-putukan sa nasabing bansa, at tinawag ang mga naturang paratang na “vile lie” o kasuklam-suklam na kasinungalingan.

Magugunita na una nang kinondena ng Ukraine ang naging pambobomba umano ng Russia sa isang children’s hospital sa lungsod nito sa kabila ng naging kasunduang ceasefire ng dalawang bansa.