-- Advertisements --

Hindi umano naapektuhan ng puspusang evacuations sa Kabul international airport kahit limang beses na pinuntira ng ISIS-Khorosan.

Ang panibagong pag-atake ng mga terorista ay isang araw matapos na magbabala si US President Joe Biden na panibagong paghahasik ng karasahan ang isasagawa ng ISIS-K.

Wala namang naging casaulties sa naturang pag-atake.

Sinasabing ang rocket attack ay matagumpay namang na-intercept ng US missile defence system na nakaposisyon sa Hamid Karzai international airport.

Ang Amerika kasi ay naglagay ng anti-rocket at mortar system upang proteksiyunan ang airport sa mga pag-atake.

Samantala, sa isyu naman ng pinasabog ng Amerika na kotse ng ISIS na may kargang mga bomba kung saan nadamay ang ilang sibilyan at mga bata.

Ang sinabi ng Pentagon ay patuloy pa nilang iniimbestigasyon ang civilian casualties sa kanilang drone strike.

Giit daw ng ilang US military officials, kaya matindi ang pagsabog dahil sa merong mga bomba rin sa loob ng sasakyan