-- Advertisements --
Ginulantang ng pagsabog ang isang evacuation site sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na sumabog ang isang 40 mm high explosive sa gilid ng evacuation center sa NIA Lining Barangay Ladtingan Pikit Cotabato.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Posibling pinaputok ang eksplosibo galing sa m203 o di kaya M79 grenade launcher.
Ang Evacuation Center ay temporaryong tirahan ng mga bakwit na apektado ng sagupaan ng mga armadong grupo sa bayan ng Pikit.
Agad namang tinungo ni Pikit Mayor Sumulong Sultan ang lugar nang pinagsabugan.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Pikit Cotabato habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.