CENTRAL MINDANAO – Doble pahirap ngayon sa mga bakwit nang lindol sa bayan ng Makilala, North Cotabato nang tamaan naman sila ng buhawi.
Bago sumapit ang gabi ay bumuhos ang malakas na ulan at hangin sa bahagi ng probinsya ng Cotabato.
Sinira ng animo’y buhawi na hangin ang mga tent sa evacuation sites sa bayan ng Makilala.
Nabuwal ang mga punongkahoy sa gilid ng kalsada at mga poste ng koryente.
Nagdulot ng mahabang traffic sa national highway at nawala pa ang suplay ng koryente.
Umulan pa ng yelo sa bayan ng Makilala kasabay nang malakas na buhos ng ulan at hangin.
Nasira ang mga tolda-tolda o tents sa evacuation sites na nilipad nang hangin at binaha pa na nagdulot na doble-dobleng pahirap sa mga evacuees.
Kumilos naman ang provincial government ng Cotabato sa pangunguna ni acting Governor Emmylou ”Lala” Mendoza at nagdala ng mga tent sa mga evacuation sites na matutulugan ng mga residente.