-- Advertisements --
relief tisoy camsur

NAGA CITY – Pumalo na sa mahigit 4,000 pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers mula sa iba’t ibang lugar sa Camarines Sur dahil sa bagyong Tisoy.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula kay Governor Migz Villafuerte, nabatid na nasa 4,019 pamilya o 15,766 katao ang nagpalipas ng magdamag sa mga evacuation centers.

Ang naturang mga evacuees ay mula sa 81 barangays ng 25 bayan sa CamSur na kinokonsidera bilang landslide at flood prone areas.

Maliban dito, nasa 22 pasahero naman ang stranded ngayon sa Pasacao Port na pawang mga papuntang Masbate.

Samantala, inaasahan naman na madagdagan pa ang naturang bilang dahil ipagpapatuloy pa ang pag-evacuate sa ibang mga lugar ngayong araw.

Sa Naga City naman mahigit 60 pamiya na rin ang nailikas kahapon na pwedeng maapektuhan ng mga pagbaha lalo na ang posibleng pag-apaw ng Naga River.