Inumpisahan na ang evaluation para sa safety at efficay ng Novavax COVID-19 vaccine sa bansa matapos na magpasa ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa FDA.
Ayon kay FDA Director General Eric Domigo, aabot sa 21 araw ang pagre-review sa trial data ng Novavax COVID-19 vaccine para matukoy ang safety, quality at efficacy nito basta aniya kumpleto ang isinumiteng dokumento ng vaccine firm.
Sa kasalukuyan, ayon kay Domingo, na base sa aplikasyon ng vaccine firm nasa edad 18 pataas ang saklaw na mabakunahan gaya ng ibang covid19 vaccine gayundin ang ang efficacy ng Novavax ay pareho din sa ibang bakuna na nasa 80-90% .
Sa ngayon wala pang datos ang Novavax sa epekto ng bakuna laban sa mga variants gaya ng mas nakakhawang delta variant.
Samantala, kakailanganin naman na mabakunahan ang karagdagang 12 hanggang 14 na milyong indibidwal kapag papayagan ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 17-anyos pababa.
Sinabi ni Usec. Domingo na tanging ang Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccines ang inaprubahang bakuna sa nagyon ng FDA para sa inoculation ng mga bata edad 17 pababa.
Tiniyak naman ni Domingo na sisiguruhing ligtas at epektibo ang mga bakuna para sa planong pagbabakuna sa mga bata. (by Bombo Everly Rico)