-- Advertisements --
pnp chief azurin

Target ng Philipine National Police (PNP) na matapos sa loob ng tatlong buwan ang evaluations at discussions ng five-man advisory group sa mga resignations ng top officials ng organisasyon.

Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakatakda nilang isapinal ang mga house rules na gagamitin sa pagsusuri at pagtatasa ng mga third level officers.

Aniya, ang five-man panel ay nakagawa na ng paunang draft para sa mga alituntunin upang magkomento, at sila ay gagawa ng panghuling rekomendasyon o rectification sa loob ng linggo.

Kabilang din aniya sa titingnan nila ay ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng mga opisyal.

Nauna nang hiniling sa mga third level officials ng Philippine National Police na magsumite ng kanilang courtesy resignation dahil layunin ng gobyerno na alisin ang hanay ng mga pulis na nauugnay sa iligal na droga.

May kabuuang 943 Philippine National Police generals at colonels ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Pinangunahan ni Azurin ang limang miyembro na panel, na kinabibilangan din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Defense Secretary Gibo Teodoro, dating police general Isagani Nerez at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Sadang.

Sinabi ng hepe ng pulisya na pagkatapos ng pagproseso ng five-man advisory group, ang kanilang mga natuklasan ay ipapadala sa National Police Commission para sa pinal na pagsusuri, bago ito ipasa kay Pangulong Marcos para sa kanyang pag-apruba.