-- Advertisements --

Ibinahagi ng mga scientist ang kanilang pag-aaral patungkol sa evolution ng mga aso na ayon sa mga ito ay nasa ikatlong phase na umano.

Ang naturang evolution ay nagpapahiwatig ng pagiging manggagawa ng mga aso at pamumuhay nito ng normal sa urban community. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang sa cultural kundi maaaring biyolohikal din.

Ayon kasi sa isang pagaaral na ginawa sa Linköping University sa Sweden noong 2017, natagpuan ang isang oxytocin sa isang aso —ang hormone na responsable sa social bonding ng mga ito, na may mahalagang papel sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga aso sa mga tao.

Ibig sabihin ang mga aso na may partikular na variant ng receptor ng oxytocin ay nagpapakita ng mas mataas na pag response at mabilis na response ng mga ito sa mga tao, kaya mas humingi sila ng tulong kapag nahaharap sa isang sitwasyon tulad halimbawa ng paghingi ng tulong sa pagbukas ng isang garapon.

Sa ginawang pananaliksik ng mga sayantipiko sa 60 na golden retriever na hinati sa dalawang grupo kung saan nakatanggap ang isang grupo ng dose ng oxytocin nasal spray, at ang pangalawang grupo ay tumanggap ng dose ng neutral saline nasal spray.

Tinansya ng mga manananliksik ang kakayahan ng mga aso kung paano nila bubuksan ang garapon at lumabas na ang mga asong may genetic variant ng receptor ay may malakas na reaction sa oxytocin spray kaysa sa ibang mga aso kung saan ang mga ito ay mas piniling humingi ng tulong na pagbuksan sila ng garapon.

Ang hormonal na pagbabagong ito ay nagpapataas ng kakayahan ng mga aso na makipag-ugnayan sa mga tao, isang katangian na lalong pinahahalagahan sa ikatlong phase ng kanilang evolution.