-- Advertisements --
Kolin Kaepernick
Kaepernick/ IG post

Handa ng muling bumalik sa paglalaro si dating San Francisco 49ers quarterback Colin Kaepernick.

Sa kaniyang Twitter account ay nagpost ito ng video na nagpapakitang handa na itong muling maglaro.

Hindi kasi nakapaglaro sa Natioal Football League si Kaepernick noong 2016 season matapos ang kontrobersyang kinakaharap nito.

Hindi kasi ito tumayo at sa halip ay lumuhod ng patugtugin ang National Anthem noon 2016 NFL Preseaso at regular season.

Paraan aniya nito bilang protesta sa mga pamamaril ng mga kapulisan sa mga black Americans at ibang hindi makatarungang akusasyon sa mga African-Americans.

Naging free agent ito noong 2017 at wala ni isang koponan ang nag-alok sa kaniya na maglaro.

Noong Oktubre ay naghain ito ng reklamo laban sa liga na inakusahan ito na humaharang sa mga koponan na siya ay kunin.