BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kaso sa pamamagitan ng inquest proceedings ang dating pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) Butuan City Federation matapos na hindi makapagpakita ng mga pertinenteng dokumento na ligal ang pag-transport nito sa 30 mga drums ng petroleum products.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PLCol. Christian Rafols, hepe ng Surigao City Police Station na naharang ng kanyang mga tauhan pasado alas-8:30 nitong Biyernes ng gabi si Nestor Amora na nagkarga ng petrolyo kasama ang lima niyang mga pahinante sa national highway ng Brgy. Bilang-Bilang, Surigao City.
Ayon kay Rafols, patawid na sana sa Socorro, Surigao del Norte ang kargang mga petrolyo para sa kanyang gasoline station nang maabutan ng kanyang mga tauhan at dahil sa kawalan ng permit to transport mula sa Bureau of Fire Protection, kung kaya’t ini-hold ito.
Kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 ang kinakaharap ni Amora at mga kasamahan nito.