-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang pakikipaglaban sa COVID-19 ng dating actress at ngayon ay Laguna 3rd District Board Member Angelica Jones Alarva.

Ayon sa opisyal na kasalukuyan itong naka-confine sa San Pablo District Hospital dahil nahihirapan itong huminga.

Maging ang anak nitong 8-taong gulang na lalaki ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Hindi agad ito nadala sa pagamutan dahil sa punuan ito lahat.

Labis na inaalala niya ngayon ay ang kaniyang 62-anyos na ina na si Beth na nagpositibo sa COVID-19 dahil nasa loob ito ng Intensive Care Unit.

Hinala ng dating actress na nahawa ang kaniyang ina sa kanilang taga-linis dahil umuwi ang mga ito ng sumama ang kanilang pakiramdam at hindi na umano nakapasok.

Patuloy pa rin ang kaniyang panawagan sa mga mamamayan na ugaliing sumunod sa ipinapatupad na health protocols.