Aminado ang dating aktres na si Janelle Manahan na nangangamba siya sa kanyang seguridad kasunod ng naging desisyon ng Parañaque-Regional Trial Court (RTC) na ipawalang-sala si Ramon Joseph “RJ†Bautista at lima pang akusado sa murder case ni Ramgen Revilla.
Ayon kay Manahan, hindi na siya nagulat pero labis na nakakadismaya dahil pagkatapos ng halos isang dekadang paghihintay ay “not guilty” lang ang matatanggap nilang hatol mula sa hukuman.
“Sobrang bad timing pa dahil kakamatay lang ng lola ko… God is our ultimate judge, ipagpapasa-Dios ko na lang sila. But I am worried for my safety,” ani Manahan sa pep.
“I can’t say I am surprised… with the kind of justice system that we have in this country. But I am very disappointed. I waited so long, almost a decade, only to receive this news,” dagdag nito.
Si RJ ang primary suspect sa pagpatay sa sariling kapatid na si Ramgen noong October 2011 kung saan suwerteng nakaligtas si Janelle sa kabila ng natamong tama ng bala ng baril sa mukha.
Lumalabas na pagtatalo hinggil sa allowance ng dalawa sa anak ng veteran actor na si Ramon Revilla Sr., ang motibo sa krimen.
Nabatid na “not guilty” din ang hatol ng korte sa frustrated murder case na isinampa ni Janelle laban sa mga akusado.
Una rito, base sa 144 pahinang desisyon ng Parañaque RTC Branch 274 na pirmado ni Acting Presiding Judge Betlee-Ian J. Barraquias at inilabas kahapon, kulang ang ebidensiyang iprinisinta ng prosekusyon laban kay RJ at mga kapwa akusado nitong sina Michael Jay Narta, Roy Francis Tolisora, Galiza Visda, Jan Norwin dela Cruz, at Ryan Pastera.
Nangangahulugan ito na malaya na ang mga ito pagkatapos ng halos walong taong pagkakabilanggo.