-- Advertisements --
Humingi ng kapatawaran sa kaniyang mamamayan si dating Afghanistan President Ashraf Ghani matapos na ito ay nagtungo sa United Arab Emirates noong sakupin ng Taliban ang pamumuno sa bansa.
Sinabi nito na isang mahirap na desisyon sa kaniyang buhay ang nasabing pag-alis sa bansa.
Wala aniya talaga itong plano na iwan ang kaniyang mamamayan subalit ito na lamang ang tanging paraan para magkaroong kapayapaan sa bansa.
Muling itinanggi niya na dinala nito sa kaniyang pag-alis ang nasa $169 milyon na halaga ng pera.
Magugunitang lumayas si Ghani matapos na kubkubin ng Taliban ang capital ng Afghanistan noong Agosto 15.
Dahil sa ginawa nito ay umani ng mga batikos ang 72-anyos na dating pangulo ng Afghanistan.