Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Benjamin Madrigal bilang bagong opisyal ng kanyang administrasyon.
Si Madrigal ay nagretiro noong September 2019.
Ang retiradong heneral ay bahagi na ng Philippine Coconut Authority (PCA) bilang miyembro ng governing board.
Kung maaalala, si Madrigal ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1985 at itinalaga bilang AFP chief noong December 11, 2018, ni Pangulong Duterte.
Maliban kay Madrigal, ang ilan pang naging AFP chief na nabigyan ng posisyon sa gobyerno sa ilalim ng Duterte administration ay sina Customs chief Reynaldo Guerrero, Interior Secretary Eduardo Año, gayundin si retired General Ricardo Visaya na administrador naman ng National Irrigation Administration.