Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller retired Lt. Gen. Jacinto Ligot sa six counts ng kasong perjury.
Sa naging pasya ng First Division ng anti-graft court, guilty si Ligot sa paglabag sa Article 183 (False Testimony/ Perjury) ng Revised Penal Code dahil sa ginawang false declarations sa kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth mula 1993 hanggang 2001.
Sinintensyahan si Ligot ng tig-isang taong pagkakabilanggo sa bawat bilang ng kasong perjury.
Pero not guilty naman ang naging hatol sa dalawa at na-dismiss ang tatlo pang bilang ng kaparehong kaso.
Si Ligot at Maj. Gen Carlos Garcia, kasama ang isa pang dating AFP comptroller, ay nasangkot sa isang corruption scandal noong 2011.
Ito ay matapos isiwalat ni dating budget officer Lt. Col. George Rabusa na ang outgoing mga outgoing AFP chiefs of staff noong administrasyon ni dating Presidente Gloria Arroyo ay binigyan umano ng “send off gifts” na nagkakahalaga ng ilang milyong piso.
Subalit itinanggi naman ito ni Arroyo at ng mga military officials.