-- Advertisements --
Nasa kustodiya na ng federal prison sa Miami ang dating aide ni ex-President Donald Trump na si Peter Navarro.
Dahil dito ay siya ang unang dating White House official na makukulong dahil sa contempt of Congress sa kasaysayan ng Amerika.
Hinatulan kasi ito ng makulong ng apat na buwan dahil sa bigo ito ng makapag-comply sa subpoena mula sa House Select Committee na nag-iimbestiga kay Trump noong January 6, 2021 US Capitol Attack.
Sinabi nito na ang hatol sa kaniya ay isang pag-atake sa constitutional separation of powers.