-- Advertisements --
Irerekomenda raw ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang mga kasamahan sa Senado si dating Philippine Air Force commander retired Major General Rene Samonte bilang bagong Senate Sergeant-at-Arms.
Ito’y matapos na pumanaw si dating Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr., nitong Linggo ng madaling araw lamang.
Nabatid na nag-resign sa kanyang posisyon si Balajadia nitong Hunyo 30 lamang.
Una rito, hindi naman nito nabanggit ang dahilan ng pagpanaw ng former Senate Sergeant-at-Arms pero dumanas daw ito ng ilang karamdaman sa mga nakalipas na linggo.
“Prostate was one big problem,” ani Sotto.