Pumanaw na si dating diplomat Ruben Varias Reyes sa edad 79.
Kinumpirma ng anak nitong si Rachel A.G. Reyes na nadapuan ng coronavirus ang ama at ito ay pumanaw sa St. Mary’s Hospital sa London.
Noong 1974 sa edad na 33 ay pinadala siya sa London para maging finance attaché ng Philippine Embassy.
Mayroon itong degree in law and admnistration sa University of the Philippines at naging army reservist na nagsanay sa intelligence work.
Umalis siya sa kaniyang puwesto dahil sa pagkuwestiyon sa labis na paggastos ng pamilya ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Pagkabalik nito sa Manila ay inalok ito sa puwesto sa embahada ng Moscow subalit hindi nito tinanggap at tuluyang nagbitiw sa puwesto.
Mula noon ay nanirahan na sila ng pamilya niya sa London kung saan nagnegosyo sila ng travel and tour agency hanggang pumanaw ang asawa nitong si Neria Gesmundo Reyes noong 2015.