ILOILO CITY – Nagluluksa ngayon ang mga kaanak at kaibigan ng dating Bombo Radyo anchorman at ngayon ay Iloilo City councilor-elect Armand Parcon matapos sumakabilang buhay.
Si Parcon ay pumanaw sa edad na 59-anyos habang ginagamot sa West Visayas State University Medical Center.
Ang nasabing impormasyon ay kinumpirma mismo ng kanyang kanyang maybahay na si Veronica Velasco Parcon.
Una nang dinala sa ospital si Parcon matapos ang May 13 midterm elections.
Si Parcon ay na diagnose sa sakit na lung cancer.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating Liga ng mga Barangay President Reyland Hervias, sinabi nito na hindi nila akalain ang pagpanaw ni Parcon na isa sa mga silent worker sa Iloilo City Council.
Napag-alaman na lumaki sa hirap na buhay si Parcon kung saan nagbebenta pa ito ng mga bote at naglilinis ng mga sapatos bago nakapag-aral at nakapagtrabaho sa Bombo Radyo hanggang sa naging konsehal.