-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Malaking tulong umano kay Atty. Joel Demanalata ang pagiging former anchor sa Bombo Rdyo Gensan sa programang Zona Libre dahil sa nasabing programa napag-uusapan aniya ang mga batas lalo na ang mga parusa sa mga indibidwal na lalabag dito.

Nanindigan ang bagong abogado na ang pagpasa niya sa Bar exam ay gagawin niyang daan para makatulong sa mga biktima at sa mga nag-aasam ng hustisya sa iba’t ibang krimen o pangyayari na lumalabag sa batas lalo na ang mga taong walang makuha na mga tagapagtanggol.

Nagpasalamat din siya na kahit maraming pagsubok sa kanyang buhay dahil sa COVID-19 pero nakapasa pa rin ito sa unang digital bar exam sa bansa.

Si Atty Demanalata nagtapos ng abogasiya sa Camarines Norte.

Siya ay dating anchorman sa “Zona Libre” sa Bombo Radyo GenSan noong taong 2001 hanggang 2004 at ito ay lumaki sa Alabel, Sarangani province.