Mariing pinabulaanan ni dating Appropriations Panel Chair at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na bumiyahe siya sa The Hague, Netherlands.
Itinanggi din ng mambabatas na may kaugnayan siya sa International Criminal Court (ICC).
Ang pahayag ng Kongresista ay bunsod sa kumakalat na balita sa social media hinggil sa kaniyang involvement sa ICC.
Sinabi ni Co na wala siyang kuneksiyon sa ICC sa The Hague, Netherlands.
Inamin naman ni Co na bumiyahe siya kamakalaina sa abroad partikular sa Rome para sa isang scheduled personal meeting at wala itong kaugnayan sa ICC.
Inihayag ng Kongresista na malinaw sa kaniyang travel records na umalis siya ng bansa lulan ng Emirates Flight patungong Dubai nuong March 11, 2025 at dumiretso ng Rome nuong March 12,2025.
Pinasinungalingan din ni Co na siya ang nagmamay-ari ng RP-C5219 Gulfstream G550 aircraft na ginamit sa pagsakay kay dating Pangulo Rodrigo Duterte patungong The Hague.
Batay sa ulat ang nasabing flight ni dating Pangulo ay inasikaso ng Challenger Aero Corporation.
Sinabi ni Co, patunay ito may mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news kung saan siya ang tinatarget at ang kaniyang mga kasamahang mambabatas.
Naniniwala ang Kongresista ang nasabing mga pekeng impormasyon ay divertionary tactics para i divert ang atensiyon ng publiko.
Hinimok ni Co ang publiko na maging mapanuri sa mga lumalabas na impormasyon at beripikahin ito sa mga appropriate authorities.