-- Advertisements --
Umatras na sa pagtakbo bilang pangulo ng US si dating Arkansas Governor Asa Hutchinson.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang mahinang resulta sa kaniya sa naganap na caucuses sa Iowa.
Sinabi nito na kaniyang binati na si dating US President Donad Trump dahil sa panalo nito sa Iowa.
Bilang isang Republican ay nananatili pa rin ang pagiging tapat nito sa partido at hindi kailanman magpapalinlang sa anumang masamang salita laban sa kaniya.
Magugunitang nasa pang-limang puwesto sa naganap na caucuses sa Iowa kung saan nanguna si Trump pumangalawa si Ron DeSantis pangatlo si Nikki Haley at pang-apat naman sa puwesto si Vivek Ramaswamy.