-- Advertisements --
Ricardo Morales
The late Pres. Ferdinand Marcos presents then Capt. Ricardo Morales to media (photo also appeared in PCIJ)

Kinumpirma ni Senator-elect Bong Go ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay retired Gen. Ricardo Morales bilang bagong President/Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Si Morales ang pumalit kay Dr. Roy Ferrer sa puwesto.

Noong aktibo pa sa militar si Morales ay naging makulay ang kanyang career.

Noong panahon ng Marcos administration ay nagsilbi pa itong aide de camp ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Hanggang sa ma-recruit ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) pero nabuking at inanunsiyo ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na napigilan nila ang assassination plot laban sa kanyang pamilya na pangungunahan sana ni Morales bilang bahagi ng rebellious group ng AFP.

Noong February 1986 ay iniharap ni Marcos sa media si Morales kasunod din ng pag-amin daw nito sa planong commando assault sa Palasyo.

Samantala una nang pinagbitiw ni Pangulong Duterte ang presidente at lahat ng miyembro ng board ng PhilHealth dahil sa “ghost” dialysis claims na umaabot sa mahigit P100 billion.

Maliban kay Morales, itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Dr. Jaime Cruz bilang board member ng PhilHealth.

Si Cruz ang unang napipisil ni Pangulong Duterte na gawing presidente ng government health insurance pero hindi natuloy.