Nakatakda nang ibaba ng Malolos Regional Trial Court (RTC) sa Bulacan ang hatol laban sa nakakulong na si dating Army Major General Jovito Palparan Jr., sa darating na September 17,
Si Palparan ay nahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention dahil sa “disappearance†ng dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.
Naglabas na rin ng notice ang Malolos RTC sa pamunuan ng Philippine Army at ipinag-utos na iprisinta sa korte ang akusadong si Palparan, gayundin sina Lt. Col. Felipe Anotado, at Staff Sgt. Edgardo Osorio sa korte bukas.
Kasalukuyang nakakulong sa Army Custodial Center sa Fort Bonifacio sa Taguig si Palparan.
Una nang nakulong sa Bulacan Provincial Jail ang dating heneral pero dahil sa isyu ng seguridad, hiniling ng kampo nito sa korte na mailipat sa Army Custodial Center.
Hanggang sa ngayon naninidigan si Palparan na siya ay inosente sa biglang paglaho nina Empeno at Cadapan.