-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na sa ngayon ng mga otoridad ang isang dating miyembro ng militar na nahuli ng mga otoridad sa isang checkpoint na nagdadala ng isa mataas na kalbre ng baril.

Ito ang kinumpirma ni PMAj. Bryan Baynosa, COP ng Pigcawan MPS sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang nahuling suspek na si Akmad Nando Datumanguda alias “NANDO”, 38 years old, may asawa at residente ng Cotabato City.

Ayon kay Baynosa, nahuli ang suspek sa ng Joint elements of 1203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 12, Pigcayawan MPS at 34th Infantry Battalion, Philippine Army.

Ayon sa opisyal. naharang ang suspek sakay sa isang unit ng sasakyan na papunta sana sa bahagi ng Cotabato City at na-ispatan sa checkpoint ng mga otoridad kung saan nakita sa backseat nito ang isang M-16 rifle.

Dahil sa kabiguang makapagpresenta ng mga dokumento nahuli ang nasabing suspek at nasa kostudiya na ng mga otoridad.

Inihahanda na sa ngayon ng mga otoridad ang kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 for unlawful possession of firearms and ammunition.