-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang isang dating sundalo na nahuli sa probinsya ng Cotabato

Nakilala ang suspek na si Akmad Nando Datumanguda, 37, may asawa, dating myembro ng 602nd Infantry Brigade Philippine Army at residente ng Talanged Subdivision, Barangay Tamontaka, Cotabato City.

Ayon kay Pigcawayan chief of police Major Ivan Samoraga na nahuli ang suspek sa kanilang checkpoint sa Barangay Presbitero, Pigcawayan, Cotabato.

Narekober sa loob ng Kia Avila na sinakyan ng suspek ang isang 5.56 Bushmaster rifle, isang magazine at apat na mga bala nang magsagawa sila ng inspeksyon.

Wala namang maipakitang dokumento si Datumanguda sa nakumpiskang armas kaya ito ay hinuli.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa custodial facility ng Pigcawayan PNP at patuloy na iniimbestigahan.