-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay sa pamamaril ang dating sundalo sa syudad ng Kidapawan.

Nakilala ang biktima si Alwente Tabaosares, 45-anyos at residente ng Purok 1-A, Barangay Katidtuan, Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na naglalakad lamang ang biktima sa Purok 6 Brgy Balindog Kidapawan City nang bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspect gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa Kidapawan City.

Naisugod naman agad ang biktima sa isang pagamutan sa Kidapawan City pero kalauna’y binawian rin ng buhay.

Blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.