-- Advertisements --
Kabilang na si dating Ateneo de Manila volleyball star Jho Maraguinot sa Premier Volleyball League na Perlas Spikers.
Sa social media post ng koponan ay masaya nilang tinanggap ang pagdating ni Maraguinot bilang dagdag na puwersa sa koponan.
Taong 2015 ng sumali ang open spiker sa Lady Eagles hanggang makamit ng koponan ang kampeonato noong season 77 ng UAAP.
Naglaro ito sa koponan ng hanggang 2018 bago ito nagdesisyon na magretiro noong 2019 at ng nagdesisyon na babalik sa Ateneo noong 2020 ay hindi na naisakatuparan dahil kinansela ang UAAP dahil sa COVID-19 pandemic.