-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating Philippine Men’s Football National team coach Sven-Goran Eriksson sa edad 76.

Ayon sa kampo nito na dahil sa pancreatic cancer.

Ang Swedish manager ay namuno sa Azkal mula 2018 hanggang 2019 na siyang nagdala sa Asian Cup sa unang pagkakataon.

Pinangunahan niya ang Azkals sa semifinals ng 2018 AFF Championship at nabigo sila sa champions Vietnam.

Si Eriksson ay siyang may pinakamataas na profile manager ng Azkals dahil sa 40 taon na managerial experience noong sumali siya sa Pilipinas kabilang ang limang taon sa England Men’s National Football team mula 2001-2006.

Pinamunuan din nito ang England na umabot sa quarterfinals ng 2002-2006 World Cup at 2004 Euros.