-- Advertisements --

Pumirma na sa United City Football Club si dating Philippine Azkals player Stephan Schrock.

Isa lamang si Schrock sa mga manlalaro na napunta sa nasabing football club matapos ang pagpalit nila ng pangalan mula sa dating Ceres-Negro FC.

Bukod sa pagiging player ay magiging playing assistant coach/ trainer din ito sa nasabing bagong football club.

Ayon kay UCFC co-founder Eric Gottschalk, na isang malaking karangalan sa koponan ang pagkuha nila kay Schrock.

Isa aniya siyang maituturing na lider para makilala ang koponan sa bago nilang pangalan.

Tinanggihan umano ni Schrock ang alok sa ibang bansa para makasama siya sa nasabing koponan.

Kanila rin iaanunsiyo sa mga susunod na linggo kung sino pa ang mga bagong manlalaro na kanilang kukunin.