Namonitor ng Philippine authorities ang pagkikita umano nina dismissed Bamban Mayor Alice Guo at ang negosyanteng si Cassandra Ong sa bansang Singapore.
Ang dalawa ay kapwa sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa bansa.
Ito’y matapos kinumpirma ni Santa Rosa City Lone District Rep. Dan Fernandez na kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng Indonesian Immigration authorities si Ong.
Inatasan ng Quad Committee ang Police attache na makipag ugnayan sa Indonesia para sa pagbabalik bansa ni Ong.
Una ng sinabi ng Komite na posibleng ikunsidera ng House Quad Committee ang inihaing supplemental motion for reconsideration ni Ronalyn Baterna na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa bansa.
Ayon kay Quad Committee Chairman Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na pagdedesisyunan pa ng komite ang nasabing motion for reconsideration mula kay Ms Baterna na isa sa mga resource person ng komite.
Ayon kay Rep. Dan Fernandez chairman ng House Committee on Public Order and Safety na maaaring pagbigyan ng quad comm ang inihaing motion for reconsideration ni Baterna gayong nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigration sa Indonesia si Cassandra Ong.
Si Ong na isang negosyante ay na cite-in-contempt ng House of Representatives dahil sa hindi pagdalo nito sa mga pagdinig ng Kamara hinggil sa kontrobersiya sa POGO.