-- Advertisements --

DHAKA – Pumanaw na si dating Bangladesh military dictator Hussain Muhammad Ershad nitong araw sa edad na 89-anyos, makatapos ang ilang linggong pananatili sa ospital.

Halos isang dekadang nakaupo sa puwesto si General Ershad bago ito napatalsik sa pro-democracy upsurge noong 1990 at naaresto ng ilang taon dahil sa issue ng korapsyon.

Pumanaw ito dahil sa komplikasyon sa katandaan, ayon kay Kazi Firoz Rashid, kaibigan ni Ershad at isang mambabatas mula sa Jatiya Party.

Kinumpirma rin ni Armed forces spokesman Abdullah bin Zaid ang pagpanaw ng dating diktador. (Reuters)