-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng apat at kalahating taon ng korte sa Spain si dating Barcelona at Brazil footballer Dani Alves.

Nagbunsod ang kaso dahil sa panggagahasa umano nito ng isang babae sai sang nightclub sa Barcelona noong Disyembre 2022.

Una ng itinanggi ng 40-anyos na footballer ang nasabing alegasyon.

Dahil dito ay nakatakdang iapela ng footballer ang nasabing desisyon na ito ng korte.

Bukod pa sa apat na taon na pagkakakulong ay mahaharap din ito ng limang taon na probation at pagbabayarin ng nasa mahigit $162,000.