-- Advertisements --

Sinorpresa ni dating beauty queen Laura Lehmann ang mga fans nito matapos ang pag-anunsiyo niya na ito ay buntis mula sa asawang si Von Pessumal.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang mga larawan ng lumalaki nitong tiyan.

Nanguna naman si Miss World 2013 Megan Young na bumati sa kapwa beauty queen at parehas din na buntis.

Maging si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Miss Eco International 2018 Cynthia Thomalia ay nagpaabot ng pagbati kay Lehmann.

Si Lehmann na TV host at dating courtside reporter ay pumasok sa pageant noong 2014 bilang Binibining Pilipinas kung saan nagtapos ito bilang first runner up.

Sumali rin siya sa Miss World Philippines 2017 at nakuha nito ang korona.