-- Advertisements --

Handa ng sumabak sa pulitika si dating Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel.

Sa kaniyang social media, ay inanunsiyo nito ang pagtakbo bilang gobernadora ng Sultan Kudarat.

Nitong Oktubre 1 ay nanumpa ito sa Aksyon Demokratiko party na pinamumunuan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Tiniyak nito na magagampanan niya ang kaniyang trabaho kapag manalo sa nasabing posisyon.

Magugunitang ikinasal ang dating beauty queen kay Maguindanao 2nd district Rep. Emael “Toto” Mangundadatu.