-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng tatlong taon at pinagbabayad pa ng $1-milyon ang dating K-pop star na si Seungri.

Nakakuha ng sapat na ebidensiya ang military court ng South Korea na nag-organisa ng sex services sa mga negosyante na kaniyang hinikayat na mag-invest sa kaniyang night club.

Ayon din sa presiding judge na ang 30-anyos na si Senungri o Lee Seung-hyun sa tunay na buhay ay nagnakaw din ng pera mula sa mga club para ipang-sugal sa Las Vegas.

Dininig ang kaso sa military court sa Yongin, Seoul South Korea dahil isang enlisted personnel is Seungri noong nakaraang taon.

Sumikat si Seungri bilang dating miyembro ng K-pop group na BigBang na nakapagbenta ng mahigit 150 milyon na kanta sa buong mundo.