Handang iligtas ni dating world champion Gennady Golovkin ang boxing para hindi ito tanggalin sa Los Angeles Olympics sa darating na 2028.
Napili kasi si Golovkin bilang Olympic commision chair na siyang kakausap sa International Olympic Committee na huwag tanggalin ang sport na boxing sa Olympics.
Giit nito na kaniyang prioridad na mapreserba ang boxing bilang Olympic sports.
Si Golovkin ay Olympic silver medalist noong 2004 at matapos noon ay naging professional boxer na siya na mayroong record na 42 panalo dalawang talo at isang draw.
Magugunitang binigyan ng hanggang sa susunod na taon ng International Olympic Committee ang International Boxing Association na patunayan na walang nangyayaring anumang dayaan para hindi matanggal ang boxing sa Olympics.