Dinala sa pagamutan si dating Brazilian President President Jair Bolsonaro.
Sinabi ng kaniyang anak na si Carlos na nakadama ng pananakit sa tiyan ang ama kaya minabuti ito na dalhin siya sa pagamutan ng Santa Cruz.
Hiniling nito na ipagdasal ang ama para sa agarang paggaling nito.
Taong 2018 ng mahalal sa puwesto si Bolsonario ilang buwan matapos na ito ay masaksak habang ito ay nangangampanya.
Noong Enero 2019 ng sumailalim na rin ito sa operasyon para matanggal ang kaniyang colostomy bag na inilagay dahli pananaksak at noong 2022 ay dumanas ito ng intestinal blockage.
Itinakbo rin sa pagamutan sa Florida ang dating pangulo matapos makadama ng pananakit sa tiyan noong 2023.
Nahaharap naman ito sa kasong pagtatangka ng pagbaligtad ng resulta ng halalan noong 2022 na kaniyang itinaggi.