-- Advertisements --
image 431

Humihiling ng karagdagang anim na buwan pang visa ang dating Pangulo ng Brazil na Jair Bolsonaro upang manatili pa sa Estados Unidos.

Ito ay habang sumasailalim siya sa imbestigasyon matapos na lumusob ang kanyang mga taga-suporta at nagprotesta sa mga gusali gobyerno sa kabisera ng Brasilia..

Inakusahan ng bagong Pangulo ng Brazil na si Luiz InĂ¡cio Lula da Silva na sinuportahan umano ng mga kaalyado ni Bolsonaro ang naganap na paglusob sa presidential palace ng Brazil.

Kung matatandaan, lumipad si Bolsonaro patungong Florida noong huling bahagi ng Disyembre nang matapos ang kanyang termino sa halip na panoorin ang inagurasyon ng kanyang kahalili na si Brazilian President Lula da Silva.