-- Advertisements --
image 176

Isinama ng kataas-taasang hukuman ng Brazil si dating President Jair Bolsonaro sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa paglusob ng mga nagpo-protesta sa mga gusali ng gobyerno sa kabisera ng Brasilia.

Ito ang unang pagkakataon na pinangalanan si Bolsonaro na isa sa posibleng responsable sa mga inilunsad na riot noong Enero 8.

Ang hakbang na ito ng Supreme Court ng Brazil ay kasunod ng pag-kwestyon ni Bolsonaro sa pagiging lehitimo ng presidential election noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Una ng inakusahan ng bagong Pangulo ng Brazil na si Luiz Inácio Lula da Silva na sinuportahan umano ng mga kaalyado ni Bolsonaro ang paglusob sa presidential palace