-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Inihanda na ang kasong isasampa laban sa isang dating barangay kapitan na ngayon ay barangay campaign manager ng isang pulitiko sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Nakuha kasi ng pulisya sa bahay ni Alfonso Baswet Corminal ng Purok 4, Brgy. Canaway sa bayan ng Kitcharao ng nasabing lalawigan ang isang bomba, kalibre 45 na baril at apat na bala nito.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Agusan del Norte-Police Provincial Office at ng Kitcharao Municipal Police Station.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act ang kasong kakaharapin ng suspek.